Una sa Balita

12% discount sa transport coop tinabla ng mga car dealer

0 186

Nagpahayag ng pagkabahala ang mga kasapi ng transport cooperative sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bayarin sa pagbili ng bagong sasakyan.

Sa forum ng National Press Club, sinabi ni Orlando Marquez, ang presidente ng Liga ng mga Transportasyon at Operator sa Pilipinas (LTOP), kung noon ay P1.6 milyon lang ang halaga ng isang single wheeler na sasakyan, ngayon ito ay nasa P2.4 milyon na.

Sabi ni Marquez, milyon-milyong piso ang nawawala sa transport sector dahil sa 12 percent na buwis na binabayaran.

Alinsunod sa Republic Act No. 9520 o Philippine Cooperative Code of 2008, may tax exemption ang mga kasapi ng kooperatiba na bibili ng bagong sasakyan kasama rito ang iba pang bilihin tulad ng mga piyesa ng sasakyan.

Gayunman, hindi aniya tinatanggap ng mga car dealer ang mga dokumento ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na dapat may 12 percent discount ang mga kasapi ng transport cooperative.

Babala ni Marquez na maglulunsad ng kilos protesta ang mga transport cooperative sa tanggapan ng BIR upang ipaglaban ang kanilang karapatan ayon sa batas. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy