Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

12 Chinese sa credit card scam, nakalawit

0 25

Huli sa akto sa iligal na operasyon sa online gambling ang 12 Chinese na sangkot umano sa pamemeke ng mga credit card sa Paranaque City.

Kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 8484 o Access Devices Regulation Act ang suspek na sina Ma Juan, 24; Chen Bung Hui, 34; Zheng Shi Feng, 27; Li Zhu Xing, 26; Wa Zhen, 30; Tong Chao Yun, 29; Ji Qing Laz, 22; Li Ling Yu Qi, 32; Yang Shu Qi, 24; Yu Zin, 32; Wang Shen, 20 at Li Wei, 22.

Sa report na natanggap ng Southern Police District, kabilang ang mga suspek sa grupo ng mga dayuhan sa credit card scam sa bansa.

Gayunman, naaktuhan sila ng mga miyembro ng District Special Operations Unit (DSOU), District Intelligence Unit (DID) at SWAT DMFB na nagsasagawa ng iligal na operasyon sa online gambling sa No. 50 Matthews St., Multinational Village, Brgy. Moonwalk, Parañaque City nang magtungo sila rito noong Biyernes ng gabi para ihain ang arrest warrant na inisyu ni Paranaque City RTC Branch 258 Presiding Judge Noemi J. Balitaan.

Nakumpiska sa grupo ang laptop computer, cellphones, dongles, Point of Sale (POS) machine at mga blank cards. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.