Una sa Balita

12 biyahe na-detour sa Clark

By
0 113

Labingdalawang international at domestic flights ang na-divert sa Clark International Airport sa Pampanga dahil biglang nag-zero visibility sa  aerodrome ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon.

Ayon sa ulat, biglang bumuhos ang malakas ng ulan sa NAIA runway bandang madaling-araw kaya naapektuhan ang mga parating at paalis na eroplano sa pangunahing paliparan ng bansa.

Ang mga naapek­tuhang flights ay ang Manila-bound flights ng Philippine Airlines, Cebu Pacific, Cathay Pacific, Emirates, Etihad Airways, China Southern Airlines, Kuwait Airways, at  AirAsia na nai-divert sa Clark.

At sinundan ito ng mga Cebu Pacific flights 5J 386 Cagayan-Manila, 5J 622 Tagbilaran-Manila, 5J 704 Dipolog-Manila, 2P 2144 Iloilo-Manila, Z2 353 Tagbilaran-Manila, Z2 353 Tagbilaran-Manila at 5J 572 Cebu-Manila.

Dakong ala-una ng hapon ng nakalapag ito sa NAIA, ang kanilang pinal na destinasyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy