Una sa Balita

12 BIFF sumuko sa Maguindanao

0 295

Labingdalawang miyembro ng Bangsa­moro Islamic Freedom ­Fighters (BIFF) sa ilalim ng ­Bungos Faction ang sumuko sa 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army sa Sultan sa Baro­ngis, Maguindanao.

Ayon kay Major Arvin Encinas, tagapagsalita ng Western Mindanao Command (Wesmincom), alas-10:30 nang umaga nang sumuko ang nasabing bilang ng BIFF kasama ang kanilang mga matataas na kalibre ng baril kay 33rd IB Commander Lt. Col. Elmer Boongaling.

Bitbit din ng mga nagsisukong BIFF ang kanilang mga baril na kinabibilangan ng 3 ca­liber 50 sniper rifle, 1 M203 grenade launcher, 1 M79, 1 rocket propeller grenade, 1 5.56mm rifle single shot (HM), 1 caliber 30 Mosin Nagant, 3 Garand na kinonvert sa M14 rifle, 1 caliber 30 M1 Garand, 1 RPG ammo (HM), at 3 improvised explosive device. (Edwin
Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More