Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

12 aktibista dinakma sa Zambales

0 60

Aabot sa 12 indibidwal ang hinarang ng mga pulis kasabay ng protesta para sa Labor Day nitong Sabado dahil sa paglabag umano sa health protocol.

Dinakip ang mga demonstrador sa bayan ng Castillejos, Zambales, kung saan papunta sana ang mga ito sa Angeles City, Pampanga.

Ayon kay Zambales Provincial Police acting director Romano Cardiño, hinuli ang mga aktibista dahil hindi nasunod ang physical distancing habang sakay ng 15-seater na sasakyan.

Bigo rin umano ang mga ito na ipakita ang kanilang ID, at tumanggi rin umanong magpakilala.

Tingin naman ng League of Filipino Students, tila inabangan daw ng pulis ang sasakyan ng mga aktibista.

“Sa disobedience naman ay dapat lamang naman na usisiin yung paratang at dahil nga binuksan agad yung sasakyan doon sa checkpoint nang walang paalam,” ayon sa grupo.

“Tapos nakita nila ang mga placards, nagsambit pa sila ng mga salita na tila ba inaabangan talaga nila ang sasakyan,” lahad pa.

Dinala sa Castillejos Municipal Station ang mga aktibista at kinakailangang magpiyansa ng P66,000. (Ray Mark Patriarca)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.