Una sa Balita

12.7°C ang temperatura sa Baguio

By
0 337

PUMALO sa 12.7 degress Celsius ang temperatura ang naitala kahapon ng umaga sa Baguio City at patuloy na bababa pa sa darating na araw, ayon sa Baguio Philippine Atmosphe­ric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon kay Baguio-Pagasa weather specia­list Letty Dispo, ang pagbaba ng temperatura sa nasabing lungsod dahil dala na rin ng northeast monsoon.

“The city’s temperature will be on a down trend in the coming months as the northeast monsoon will be enhanced,” ani Dispo.

Sinabi ni Dispo na ang normal na temperatura ng siyudad ay nasa pagitan ng 16°C to 19°C bago magsimulang buma­ba ito sa 14° at bumagsak sa 12.7° kahapon.

Samantala, pina­alalahanan ni City Health Service officer Dr. Rowena Galpo ang mga residente at mga bakasyunista na sapat umano ang kanilang immune system sa pamamagitan ng tamang pagkain at exercise para labanan ang mga sakit gaya ng sipon, ubo, lagnat, pneumonia, bronchitis at iba pang virus dulot ng malamig na panahon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy