Una sa Balita

12-0 ng Hugpong suntok sa buwan – Mayor Sara

By
0 582

TACLOBAN CITY — Kahit 13 ang kandidato sa pagka-senador ng Hugpong ng Pagbabago (HNP), aminado si Davao City Mayor Sara Duterte na ­suntok sa buwan na makuha nila ang 12 puwes­tong pinag-aagawan sa Senado ngayong May 13 midterm elections.

Sa isang ambush interview, sinabi ng Presidential daughter na pitong kandidato lamang ng ­Hugpong ang inaasahan niyang mananalo sa ­darating na halalan.

“Majority is seven. Seven lang ang ipinagdadasal namin (manalo),” wika ni Mayor Duterte.

Masuwerte na aniya kung walong kandidato nila ang manalo at may ‘divine intervention’ na kung higit pa dito.
“Eight is suwerte na. 9, 10, mahal na mahal na kami ng Diyos talaga,” ayon sa HNP chair.

Siyam na kandidatong sinusuportahan ni Mayor Duterte ang pasok sa pre-election survey ng Pulse Asia noong Pebrero.

Ito ay sina re-electionist Sen. Cynthia Villar, ­da­ting Special Assistant to the President (SAP) Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, re-electionist Sen. Sonny Angara, Deputy Speaker Pia Cayeta­no, ­dating Senador Bong Revilla at Jinggoy ­Estrada, dating BuCor chief Bato dela Rosa, Senador ­Aquilino ‘Koko’ Pimentel III at dating Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino.

Sinabi pa ng Davao City mayor na wala siyang pakialam kung hindi matibag ng kandidato ng Hugpong sa number one spot si Senador Grace Poe dahil ang mahalaga ay marami siyang kandidatong maipanalo.

“Wala na kaming ano (pakialam) kung ano ‘yung ranking. Basta sa amin ‘yung makapasok na majority of the senators,” saad ni Duterte.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy