Una sa Balita

12 ‘arbor shabu’ cops, 2 pa inasunto

By
0 173

Nakahandang kasuhan ng Bulacan Police Provincial Office(BPPO)-Malolos City ang labin­dalawang tauhan ng Regional Anti-Illegal Drug Special Operation Task Group-National­Capital Region­Police Office (RAID­SOTG-NCRPO) at kanilang dalawang police asset na nakorner sa police checkpoint na may dalang sampung kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P50 mil­yon makaraang masabat sa DRT Highway, Barangay Tarcan, Baliwag, Bulacan kamakailan.

Ayon kay P/Senior Supt. Romeo M. Caramat Jr., acting Bulacan police director, kakasuhan nila ang 12 pulis-NCRPO at limang sibilyan kabilang ang dalawang NCRPO police assets na nahulihan ng 10 kilo ng shabu na nakalagay sa isang malaking bag at nasa loob ng silver na Mitsubishi Montero Sports na may plakang WIM-122 kahit iginigiit na isang lehitimong drug operation ang isinagawa ng RAIDSOTG-NCRPO sa bayan ng San Rafael at Baliwag, kapwa sa Bulacan.

Napag-alamang nag­sa­gawa ng imbestigasyon ang Fact Finding Team ng Regional Police Office 3 (RPO 3) sa ilalim ng pamumuno ni P/Chief Supt. Aaron Aquino, Regional Police Director sa insidenteng naganap noong Martes ng gabi at lumilitaw na mayroong sapat na ebidensya upang kasuhan ang mga personalidad na sangkot sa ‘drug operation’ ng RAIDSOTG-NCRPO dahil mayroong mga nadakip at nakum­pis­kang bultong droga na P50 milyon ang halaga.

Magugunitang naganap ang insidente dakong alas-9:15 noong Martes ng gabi nang maglatag ng police checkpoint ang awtoridad sa ilalim ng pamumuno ni P/Supt. Froilan Uy, Baliwag police chief, sa DRT Highway, Barangay Tarcan matapos makakuha ng impormasyon sa Regional Intelligence Division ng RPO 3 na mayroong bigtime shabu pusher na dadaan sa lugar at nasabat ang Montero Sports na minamaneho ng isang Michael Lim at iginiit na isa siyang police asset ng NCRPO at may dalang shabu.

Habang bineberipika ng Bulacan PNP ang sasakyang may dalang sampung kilo ng shabu ay dumating ang iba pang sasakyan na kinalulula­nan ng mga operatiba ng RAIDSOTG-NCRPO at ipinaliwanag na mayroon silang follow-up operation matapos ang buy-bust operation sa isang resort sa bayan ng San Rafael at ipinakita ang kanilang coordination form para mag-operate sa Bulacan ngunit nabistong hindi kasama ang sasakyang Montero Sports na may dalang droga.

Dito nagkaroon ng argumento hanggang posasan at padapain ng Bulacan PNP ang mga police-NCRPO ngunit pinaka­walan din ang mga ito ki­na­bukasan matapos dal­hin sa Camp Gen. Alejo S. Santos-Malolos City at matapos ang resulta ng fact-finding team, may­roong ebidensya para kasuhan ang mga pulis ng NCRPO gayundin ang limang sibilyan at dala­wang sinasabing police assets na siyang mayroong dala ng sampung kilo ng droga.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More