Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

119 na-COVID sa Cauayan, Isabela

0 58

NAKAPAGTALA noong Lunes ng 119 panibagong kaso ng coronavirus disease-19 (COVID-19) sa Cauayan City, Isabela, ayon sa Cauayan City Health Office (CCHO).

Ayon sa CCHO, hinihintay pa ang mga CV Codes mula sa Department of Health-Region 2 (DOH-R2) ng mga panibagong nagpositibo.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ng DOH-R2, na pumalo na sa 355 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 ang Lunsod ng Cauayan.

Karamihan sa mga nagpositibo, ayon sa datos ng DOH-R2, ay dahil sa household transmission kung saan nangyayari na may isang kapamilya na lumabas ng bahay at nadapuan ng virus at naipapasa pag-uwi sa kapamilya. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.