Una sa Balita

118 earthquake naitala sa Taal — Phivolcs

0 316

NA-MONITOR ng Philippine Institute of Volcan­o­logy and Seismology (Phivolcs) ang 118 volcanic earthquake sa Bulkang Taal.

Ayon sa Phivolcs, kinakitaan ng steam emission o mahinang usok sa bitak na dulot ng pagsabog ng bulkan na may taas na 200 hanggang 300 metro, indikasyon na mayroon pa ring pagkulo ng mainit na tubig sa loob ng Taal.

Nagbuga muli ng asupre ang Taal subalit mahina na ito. Ipinaliwanag ni Phivolcs Director Renato Solidum na makikita sa taas ng sulfur dioxid­e emission kung malapit na sa bunganga ng bulkan ang magma.

Sa ngayon na halos hindi na umano ma-detect ang level ng asupre na maaaring sabihin na malayo pa ang magma sa crater. (Tina Mendoza)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More