Una sa Balita

118 bagong silang na pagong pinakawalan sa Palawan

By
0 1,322

Aabot sa 118 na bagong silang na Hawksbill sea turtle ang pinakawalan ng mga tauhan ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group noong gabi ng Martes sa dagat na bahagi ng Honda Bay, Barangay Sta. Lourdes sa Puerto Princesa City, Palawan.

Ayon sa biologist na nagbantay sa lugar na pinanganakan ng mga pawikan, matagal na umano nilang binabantayan ang mga itlog ng isang pawikan na nangitlog sa lugar hanggang sa nagsipisa ang mga ito.

Panahon na rin umano para palayain ang mga Hawksbill sea turtle na isa sa mga critically endangered na marine species sa bansa.

Tuwang-tuwa naman ang mga residente ng lugar nang masaksihan ang mga maliliit na pawikan habang sila ay gumagapang patungo sa dagat.

Isa ang Palawan sa mga lugar sa Pilipinas na madalas pangitlugan ng mga Hawksbill sea turtle.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy