Una sa Balita

117 y/o niregaluhan ng P100K

By
0 2

Isa sa pinaniniwalaang pinakamatandang tao sa buong mundo at sa Pilipinas, na naninirahan sa Kalibo, Aklan ang pinagkalooban ng P100,000 cash ng DSWD.

Si Rodingondes Buernasal, ng Barangay Tiga­yon, Kalibo, Aklan na katatapos lamang magdiwang ng kanyang ika-117th kaarawan noong Mayo 9 ay tumanggap ng P100,000 cash.

Siya ay kasing edad ng kinikilalang pinakamatandang tao sa buong mundo na si Violet Brown na isang Jamaican na ipinanganak noong Marso 10, 1900.

Abante Hiring – IT dep

Ang pagtanggap ng P100k regalo mula sa DSWD Region 6 ay bilang bahagi ng implementasyon ng National Centenarian Law.

Sa pagtanggap ng matanda ng regalong cash, sinabi nito na masaya siya at lubos niyang ipinagpapa­salamat dahil nakaabot siya sa ganuong edad nang maayos pa rin ang pangangatawan at nagagawa pang makapaglakad para magpunta sa bukid para kumuha ng gulay at mapasyalan ang kanyang mga anak.

Binigyan diin ni Buernasal na ang alam niyang dahilan kung bakit humaba ang kanyang buhay ay dahil sa pagkain ng gulay.