Una sa Balita

1,152 na ang patay sa war on drugs

By
0 144

Mula Hulyo 1 hanggang alas-sais ng umaga noong September 19, ng taong kasalukuyan ay umaabot na sa 1,152 ang nasasawi sa mga isinagawang anti-illegal drugs operations ng Philippine National Police (PNP)

Ang nasabing bilang ng mga napatay na drug personalities ay resulta ng isinagawang mga operasyon ng PNP na umabot na sa 18,616 drug operations sa buong bansa.

Sa nasabing pinaigting na operasyon kontra iligal na droga, nasa 17,759 na ang naaresto na pawang sangkot sa paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Samantala, sa nagpapatuloy namang ‘Oplan Tokhang’, sinabi ng PNP na umabot na sa 1,061,235 na bahay ang kanilang nakatok.

Mula sa nasabing mga bahay na naisailalim sa Oplan Tokhang, 715,393 na ang bilang ng mga sumuko.

Kinabibilangan ito ng 53,091 na pushers at 662,302 na users.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More