Una sa Balita

Mga taga-showbiz nawawasak sa politika

By
0 4,530

Mas pinili ni Cesar Montano na maglingkod sa gobyerno kesa mag-focus na lang bilang artista. Look, mas matindi pa tuloy ang kontrobersiyang kinasangkutan niya bilang Chief Operating Officer ng Promotions Tourism Board (PTB).

Eh, ang masaklap pa nito, malaking pera ang sangkot sa Buhay Carinderia project na ngayon ay suspendido na ng Department of Tourism Secretary na si Berna Romulo-Puyat. Nu’ng aktibo pa si Cesar sa showbiz, ang isyu sa anak na si Diego Loyzaga at dating asawa na si Sunshine Cruz ang inuurirat sa kanya, huh!

Take note na hind ito ang unang beses na nasangkot sa anomalya Cesar bilang Tou­rism executive. Nalusutan niya ‘yon noon, but this time, kumplikado ang sitwasyon at nadadawit na ang ibang tao gaya ni Erwan Heussaff, asawa ni Anne Curtis, pati na si Sec. Kat de Castro.

Cesar could have led a normal life kahit bihira na ang gumagawa ng action movies. Magaling din naman siya sa drama kaya puwede siyang isabak sa mga teleserye.

Eh, ganoon yata ang mga sikat nating artista na from showbiz, gustong either sa politika o government service. Hindi rin kasi pinalad si Cesar nang minsang tumakbo siya bilang senador.

So sumuporta siya sa kandidatura ni President Rody Duterte at nabiyayaan ang tulong niya kaya na-appoint sa PTB. What happened next? Heto na nga ang kontrobersya sa pera.

Unlike in the past na kayang lusutan ang ganitong isyu, mas mapanuri na ngayon ang Commission on Audit at meron nang Office of the Ombudsman para tiktikan ang elected and appointed officials sa kanilang trabaho. Si Ice (Aiza) Seguerra nga na dating Commissioner ng National Youth Commission, nasampulan din ng COA kaugnay ng perang ginastos sa merienda sa mga meeting, huh! Pero, naayos naman niya, at ngayon ay balik pagkanta na siya.

Idagdag pa ninyo riyan ang issue rin sa magkapatid na Tulfo.

Cesar may have the good if not the best intentions to help and promote Pinoy food through the Buhay Carinderia project, pero gaanon man kabuti ang layunin niya, may mga proseso at regulasyon pa rin siyang dapat sundin!

Sinong showbiz personality na nasa politiko ang kasunod na masasangkot dahil sa pera? Abangan!!!