Una sa Balita

Puwesto ni Zubiri sa Senado aagawin ni Pimentel

By
0 2,451

Muling aagawan ng puwesto ni Senate President Aquilino ‘Koko’ Pi­mentel III ang kapwa Minda­naoan na si Senador Juan Miguel Zubiri sa pagpapalit ng liderato ng Senado sa Lunes.

Ayon sa source na nakakaalam sa gagawin­g balasahan, si Senate Ma­jority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto III na ang uupong Senate President sa Lunes.

Subalit sa pagbaba sa puwesto ni Pimentel, hindi ibibigay sa kanya ang puwesto ng Senate President Pro-Tempore o ang pagiging majority leader ng Senado.

Ayaw din ni Senador Richard ‘Dick’ Gordon na ibigay kay Pimentel ang Senate Blue Ribbon Committee na dating pinamunuan ng huli noong 16th Congress.

Ang pinagdiskitahan umano ni Pimentel, ang mga komiteng pinamu­nuan ni Sen. Zubiri tulad ng trade, commerce and entrepreneurship at cooperatives.

Iluluklok naman si Zubiri bilang majority leader, isang puwesto na dati niyang hinawakan noong 14th Congress.

Matatandaan na nagsilbi si Zubiri noong 2007 hanggang sa magbitiw itong senador noong Agosto 2011 matapos ilabas ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang desis­yon na si Pimentel ang totoong ika-12 nanalong senador noong 2007 senatorial elections.

Dahil sa paninindigan ni Pimentel na siya ang totoong ika-12 nanalong senador noong 2007 election, matatapos na sana ang termino nito ngayong 2019 pero iginigiit niyang puwede pa siyang tumakbo ulit dahil sa sinalo lang umano niya ang natitirang termino ni Zubiri noong 2011.

Si Pimentel ay naluklok na Senate President noong 2016 dahil sa pinasok na ‘term sharin­g agreement’ kay Sen. Sott­o, miyembro ng ­Macho Bloc sa Senado.

Humirit pa umano ito na ma-extend ang kanyang panunungkulan bilang lider ng Senado hanggang Oktubre 2018, pero pumalag na ang grupo ni Sotto.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy