Una sa Balita

10 todas sa school shooting sa Houston

By
0 1,574

Isang 17-anyos na lalaki na armado ng shotgun at revolver, ang namaril sa Santa Fe High School sa Houston nitong Biyernes nang umaga, na ikinasawi ng 10 at pagkasugat ng 14 katao.

Ang suspek, na nakilalang si Dimitrios Pagourtzis at nag-aaral din sa nasabing eskuwelahan, ay kusa n­aman sumuko sa awtoridad at nahaharap sa kasong murder.

Ayon sa ulat, unang pinasok ng suspek na nakasuot ng trench coat, ang art class dakong alas-otso nang umaga at sumigaw pa umano ng “surprise!” saka pinagbabaril ang mga estudyante, pero hindi tinutukan ang mga natitipuhan niyang mag-aaral.

Siyam na estudyante at isang guro ang kanyang napatay.

Malubha namang nasugatan ang pulis na nakila­lang si John Barnes na unang rumesponde.

Nang masukol ng mga pulis, tinangka ni Pagourtzi­s na magbaril sa kanyang sarili subalit hindi niya ito kinaya kaya’t sumuko na lang.

Nabatid na ang shotgun at .38 caliber handgun ay lisensiyado at pagmamay-ari ng kanyang ama. Nakuha din sa kanya ang homemade bombs tulad ng pipe bombs, Molotov cocktail at pressure-cooker bomb na kahintulad ng ginamit sa Boston Marathon attack.

Ito ang ika-22 insidente ng pamamaril sa eskuwelahan, pinakamadugo ay noong Pebrero 14 sa Parkland, Florida, 17 estudyante at guro ng Marjory Stoneman Douglas High School ang pinatay ng estudyanteng sinipa sa nasabing eskuwelahan.

Samantala, inaalam naman ng Department of Foreign­ Affairs (DFA) kung may Filipino na nadamay sa nasabing insidente