Una sa Balita

Fil-Am Kelsey Merritt napiling Victoria’s Secret angel sa New York

By
0 1,869

Super proud ang mga artistang sina Janine Gutierrez, Isabelle Daza, Nadine Lustre, KC Concepcion, Bea Alonzo, at marami pang iba, sa pag-angat ng pangalan ng Fil-Am model na si Kelsey Merritt sa New York City, USA.

Ang bongga naman kasi ng dalaga, dahil kinuha lang naman siya bilang modelo, endorser ng sikat na sikat na Victoria’s Secret, ha! Si Kelsey ang napili na modelo ng Victoria’s Secret Sport, at makikita sa mga social media account niya ang pictorial niya para sa naturang sikat na brand.

“On set today. Somebody pinch me…” sabi ni Kelsey na photo na pinost niya na nakalagay ang mga linya na RUNWAY 1, Splashlight Productions Victoria’s Secret sport, photographer Kyle Deleu.

Sa latest selfie photo nga niya sa Instagram ay suot na niya ang Victoria’s Secret sport bra.

“So this just happened. Dream job with dream team @victoriassecret @victoriasport,” caption pa niya.

Sa Amerika nga gumagawa ng bonggaderang career ngayon si Kelsey.

“I’m crying you guys are so supportive love you all so much,” sey niya.

Muli nga niyang pinost ang tweet niya noon tungkol sa kagustuhan niyang maging VS model.

“Mark this tweet. Makakapag-VS din ako baling araw. #lawofattraction.”

At heto nga ang tweet din niya bilang sagot sa nauna niyang tweet.

“Remember this tweet? Well, I’m shooting with Victoria’s Secret next week. I cannot contain my happiness. All for You.”

Siyanga pala, marami ang kumumbinsi kay Kelsey na sumali sa Bb. Pilipinas noong 2017, pero hindi nga siya nag-join, at pinipilit din siyang mag-artista dahil pangabog din kasi ang ganda niya tulad nina Liza Soberano at Bea Alonzo. Pero sabi nga niya, ang maging Victoria’s Secret angel ang dream niya, na natupad na ngayon, at who knows, ang showbiz na ang pasukin niya sa pagbalik niya sa Pilipinas.