Una sa Balita

Rhian dinedma ang Cannes Film Festival

By
0 1,648

Tinabla ni Rhian Ramos ang pagdalo sa ongoing Cannes Film Festival para makasama sa wedding anniversary ng mga magulang sa Thailand.

Inilabas ng Kapuso actress ang litrato ng ama (Gareth Holowell) at stepmom (Nuan) na nagsasayaw at sinamahan niya ito ng emoticon sa caption:

“Natuwa talaga ako sa ganito. Baka isipin ng iba hindi ito yung konsepto ng isang buo ang pamilya, pero para sa akin ito ang perpektong ehemplo ng buong pagmamahal natin sa isa’t isa.

“Yung kahit di naman tayo laging magkasama, parang wala pa rin namang pagbabago, maalaga ka pa rin, makulit, malakas mang-asar, at hanggang ngayong marunong ka pa rin pumili ha! Mabuti naman!

“Dahil diyan, lalo pang lumalaki, sumasaya, at nakukumpleto ang pamilya natin. Nagpapasalamat ako na nakahanap ka ng isang taong kakampihan ka habang buhay, pero minsan, kayang basagin ang trip mo ‘pag ‘yun ang kailangan. Hahaha Mahal na mahal ko kayo dalawa Daddio, Nuan. Mahal ko ang pamilya natin.”

Para sa bida ng The One That Got Away, ang wedding anniversary ng parents ang ‘Cannes’ ng buhay. Ipinagpalit niya ang anibersaryo sa pagdalo sa festival para sa premiere ng movie niyang The Trigonal.

Anyway, magtatapos na ngayong gabi ang TOTGA kaya abangan ang exciting finale ng Kapuso series.

——–

Maine sandalan ng mga may sakit

Patuloy ang pag-tag kay Maine Mendoza sa Twitter ng mga netizen na nagpapatulong sa kanya upang makalikom ng tulong gaya ng netizen na si Mady Ann Jacobe (@_madyannejacobe) para sa inang na-diagnose na may cervical cancer.

Kalakip ng ng tweet na ‘yon ang picture ng ina (Imelda Badoz) ng netizen pati na medical abstract ng doctor mula sa Perpetual Help Medical Center sa Biñan, Laguna.

Sa ganitong panawagan, hindi naman nabibigo ang humihingi ng tulong kay Meng na nanawagan sa mga follower niya na magbigay ng tulong gaya ng isang ate ng batang may cyst sa mukha. Sa tweet niya kaugnay ng huli, inilabas niya ang bank account kung saan puwedeng ibigay ang tulong para maoperahan ang bata.

Pagdating sa paghiling ng tulong, hindi naman ipinagkakait ni Meng na i-retweet ang panawagan ng mga netizen para matugunan ito ng mga follower niyang mapagkawanggawa pati na rin siya.

Sa isa namang tweet ng Phenomenal Star, nagpasalamat siya sa ADN (AlDub Nation) sa suporta nila para maging number 1 ang AlDub loveteam sa Twitter Philippines.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More