Una sa Balita

Yaman ni Pacquiao nabawasan ng halos kalahating bilyon

By
0 2,642

Inilabas na ng Senado ang kopya ng Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) ng mga senador at nangu­nguna pa rin si Senador Cynthia Villar sa pinakamayaman.

Naitala ang networth ni Villar sa P3,611,260,766 hanggang noong Disyembre 30, 2017 at tulad noong 2016 ay wala itong utang.

Ang kanyang networth ay bahagyang mataas kumpa­ra hanggang noong Disyembre­ 30, 2016 na idineklara nyang nasa P3,606,034,556.

Pumapangalawa naman sa pinakamayaman si Senador Manny Pacquiao na naitala ang networth sa P2,946,315,029. Kapansin-pansin naman na mababa ito ng mahigit P476,601,648 mula sa P3,422,916,677 na networth noong 2016.

Pangatlo sa pinakamayaman si Senador Ralph Recto na may P627,696,651 mula sa P522,610,452.59 na networth noong 2016.

Nananatili namang pinakamahirap si Senador Antonio “Sonny”­ Trillanes IV na ang networth ay nasa P6,871,743 subalit tumaas ito kumpra noong 2016 na naitala sa P6,506,62.13.

Pumapangalawa sa pinakamahirap si Senador Leila de Lima na may networth na P7,944,973 na mataas kumpara sa P6,617,635.62 noong 2016.

Ang magkakasunod pang Senador batay sa kanilang networth ay sina Senador Migz Zubiri, P152,094,252; Sonny Angara, P131,765,860; Franklin Drilon, P93,727,005; 

Grace Poe, P90,674,709; Sherwin Gatchalian, P88,226,485; JV Ejercito, P78,953,332; Richard Gordon, P69,508,942; Tito Sotto, P64,730,400; Nancy Binay, P60,612,685.

Nasa ikalabintatlong pinakamayaman naman si Loren Legarda, P51,316,903; Bam Aquino, P39,192,743; Ping Lacson, P36,305,440; Gringo Honasan, P25,243,912; Joel Villanueva, P23,727,895; Koko Pimentel, P18,110,000; Risa Hontiveros, P16,196,665; Francis Pangilinan, P13,471,564 at Chiz Escudero, P8,502,082.