Una sa Balita

Babae, politiko ayaw ni Digong sa Ombudsman

By
0 1,513

Nagbigay na ng ilang pamantayan si Pangulong Rodrigo Duterte para sa hihiranging susunod na Ombudsman kasunod ng pagreretiro ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sa ­buwan ng Hulyo.

Sinabi ng Pangulo na hindi babae at lalong hindi politiko ang susunod na Ombudsman.

Pupulsuhan aniya muna nito at ikokonsulta sa mga tauhan ng Ombudsman ang magiging kapalit ni Morales para siguradong gusto ng mga tao.

“l’ll have to consult everybody. I will even have to consult the Ombudsman people, not Morales. And marami, para sigurado ‘yung gusto ng tao,” anang Pangulo.

Matatandaang may iringan sa pagitan ng Pangulo at Morales dahil sa pag-imbestiga ng Ombudsman sa umano’y malaking yaman na hindi maipaliwanag at malaking deposito umano ng pamilya Duterte sa bangko.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy