Una sa Balita

Basilashivili pisak kay Djokovic

By
0 776

Pasok na sa third round ng Italian Open 2018 ang tennis superstar na si Novak Djokovic matapos araruhin sa magkasunod na set si Nikolaz Basila­shivili, 6-4, 6-2, Miyerkoles sa Rome, Italy.

Kamakailan lang ay bigong makausad sa third round ng Madrid Open si Djokovic matapos talunin ng Briton na si Kyle Edmund.

Ayon kay Djokovic, mas nag-improve ang kanyang mga laro at nais niyang bumuo ng momentum para sa darating na French Open sa Paris, France.

“The French Open is where I want to play my best tennis. That’s obviously the big goal for this part of the season. But I feel like my game has been going in the right direction,” ani Djokovic.

Dagdag pa niya, marami siyang naging laro at hindi niya nagustuhan ang mga naging resulta nito at ‘yung nangyari sa Madrid at mga nauna niyang laban sa Rome ang nagpalakas sa kanya.

“It’s a mental game and the bar has been so high and it’s not a secret. The expectations are always high in that regard,” dagdag pa niya.