Una sa Balita

70 sasakyan, 44 motorista sinuyod ng MMDA

By
0 4,069

Umabot sa 70 sasakyan at motorista ang hinuli sa isinagawang clearing operation ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authorit­y (MMDA) sa Tondo, May­nil­a kahapon nang umaga.

Ayon kay MMDA ­Operations Division Chief Edison Bong Nebrija, nasa 26 na mga sasakyan ang nahatak dahil sa obstruction at illegal parking habang 44 na motorista ang natiketan dahil walang helmet at lisensya.

Karamihan sa mga na­hatak na sasakyan at natiketan ay sa bahagi ng Dagupan Street na kabilang sa Mabuhay Lane, dakong alas-siyete ng umaga.

Ang mga nahatak na sasakyan ay dadalhin sa impounding area ng MMDA sa Tumana, Marikina kung saan ito ay puwedeng tubusin ng mga may-ari.

Aniya, patuloy nilang susuyurin ang mga kalsada na patungong Divisoria upang malinis ito mula sa illegal parking at upang magamit ng mga motorista.

Samantala, bukod sa mga sasakyang iligal na nakaparada sa kalsada ay nasita rin ni MMDA Chairman Danilo Lim ang mga barangay hall na nakatayo na lagpas sa bangketa, na daanan ng mga pedestrian.

Bago umalis sa kanyang puwesto binigyan pa ng responsibilidad ang isang outgoing chairman ng Tondo, Maynila na gibain sa Barangay 206, Zone 19 District II ang kanilang barangay hall dahil nakahambalang ito sa bahagi ng Dinalupihan Street na sakop nang nasabing barangay. (