Una sa Balita

Glaiza pinalakpakan sa pagngudngod kay Lauren sa inidoro

By
0 1,871

Nagbunyi, at todo palakpak ang mga fan sa confrontation scene nina Glaiza de Castro at Lauren Young sa Contessa ng GMA 7! Feel na feel mo na marami talagang galit kay Lauren, dahil bet na bet nila kung paano inginudngod ni Glaiza ang mukha ni Lauren sa inidoro.

Well, kung sa pamalditahan din lang, silang dalawa na ang nangunguna sa linyang ito, dahil ibang klase ang galing nila, at umabot na talaga sa pisikalan ang away nila.

Sa eksena kasi, nang sundan ni Daniella (Lauren) si Contessa (Glaiza) sa restaurant kung saan magkasama sila ni Jong (Jak), maaanghang na salita agad ang ibinungad ni Daniella kay Contessa, kaya naman hindi nagpatalo si Contess­a at binalaang huwag siyang babanggain nito.

Hayun mula sa bangayan ay nauwi sa pagngudngod ni Daniella sa mukha ni Contessa sa toilet bowl! Hindi nagpatalo si Contessa at siya ang kumabig para maingudngod si Daniella sa toilet bowl. Laban kung laban, hindi na nagpapatalo si Contessa kay Daniella, ha!

Ang sarap ngang panoorin na ang bida ay hindi basta-basta nagpapatalo sa kontrabida, ha! Iba na nga ang gusto ng mga manonood ngayon, at pagod na sila sa mga bida na api-apihan na lang palagi.