Una sa Balita

Heart sinita sa paghi-heels

0 3,143

Hindi kinaya ng powers ni Heart Evangelista ang antok sa ginanap na Myx Music Awards last Tuesday night. Isa nga si Heart sa orig na VJ (video jockey) ng Myx kaya malaking bagay ang presence niya sa event na ‘yon.

Sabi nga ni Heart, hindi na siya sanay magpuyat at may kinalaman ‘yon sa pagbubuntis niya. Feeling ni Heart, kapag dumilim na, inaantok at nagugutom na siya. Kaloka nga si Heart na kahit sa kama ay nati-tempt siyang kumain, ha!

Anyway, super happy si Heart na muli niyang­ nakasama ang mga co-VJ niya tulad nina Iya ­Villania, Luis Manzano, at iba pa.

“This Myx VJ and ASAP Fanatics Reunion really brought back so many good memories. Watch @myxph this Saturday to see all the fun that went down yesterday.”

Sobrang ganda ni Heart nang gabing ‘yon. Pero, sobra ring nag-alala ang mga tagahanga niya, dahil nakita nilang super taas ng heels ng shoes ni Heart. Nag-alala sila na madapa ito, eh, buntis nga kasi ang misis ni Sen. Chiz Escudero.

“Don’t worry mas nadadapa ako pag naka-flats and I get back problems because my back is sanay with heels so less pain for me when I have heels,” sabi ni Heart.

Nag-post din si Heart sa IG story niya na kesyo pinayagan siya ng doctor niya na mag-heels.

“And don’t worry doctor said yes to heels since my body is trained to wear them before getting pregnant,” say pa rin ni Heart.

Kaaliw rin si Sharon dahil halatang na-miss niya nang husto si Heart, na anak nga ang turing niya, since naging anak niya ito sa Mano Po 6, A M­other’s Love.

“Anak I am so happy for you! Can I visit you when the baby comes out (and anytime you want me to before that? Magkakaapo na ako kahit di niya ako kaano-anooooo! Hahaha! My beautiful Hearty will soon be a Mommy…WAAAAAAAAAHHHHHHHH!!! I love you baby!” sey ni Sharon.

“Wahhhh hahahaha yes mama!! Ako nalang ang pupunta sayo. I’ll direct message you: Miss youuuuuu,” sey naman ni Heart.