Una sa Balita

‘Akala ko mamamatay na ako!’

Jessy naaksidente:

By
0 2,926

Puyat at pagod ang madalas na kalaban ng mga artista, driver ng mga artista, lalo na kapag inaabot na ng madaling-araw ang shooting o taping.

Tulad sa nangyari kay Jessy Mendiola, na galing sa taping ng Ang Probinsyano, at inabot na ng 3:00 am ang taping nila.

Sa Instagram stories ni Jessy ay ikinuwento niya ang aksidente na naranasan niya pauwi sa bahay nila galing sa taping.

Abante Hiring – IT dep

“Met an accident this morning… My driver dozed off while at the wheel and lost control, my van hit a barrier and we swayed from left to right for a bit before my driver got control of the steering wheel again,” panimulang kuwento niya.

Pero ang mga kasunod na linya ni Jessy ang nakapagpaalarma sa mga fan niya. Dumating nga si Jessy sa punto na pakiramdam niya ay mamamatay na siya.

“I honestly thought I was going to die. The scariest part was the side that got hit was where I was sitting maybe that was why I was the one who woke up first.

“I’m, very thankful nothing happened to me and no other vehicles went against us. I didn’t wish for this experience but it made me appreciate my life more.

“I thank God for waking me up before things got worse…” saad pa rin ni Jessy.

Hindi raw sinisi ni Jess ‘yung driver niya, at tulad niya, alam niyang pagod din ito, at puyat.

“I didn’t get mad at my driver cos’ I knew he was tired too, maybe he thought he could go on.”

Kaya ang payo ni Jessy sa mga napupuyat, napapagod, at obligadong mag-drive:

“My advice to drivers or to anyone who’s driving long hours, when you’re feeling sleepy or tired please stop and take a quick nap. You are responsible for the lives of the people riding with you.

“Very thankful nothing happened to US. Thank you Lord for another day,” sabi ni Jessy.

Well, maraming kuwento sa showbiz ang katulad nang naranasan ni Jessy.

Ang iba ay hindi nakaligtas, kaya dapat na magpasalamat si Jessy sa Diyos.