Una sa Balita

Maricel humirit ng datung kay Mother Lily

By
0 3,333

Ang envelope!’ tili ni Maricel Soriano sa thanksgiving party ng pelikulang My 2 Mommies. At siyempre, patawa-tawa lang ang producer na si Mother Lily Monteverde.

Dahil knowing Mother Lily, kapag kumita talaga ang movie niya, hindi siya nagdadamot magbigay ng bonus. At dahil kumita nga ang My 2 Mommies, kahit aminado si Roselle Monteverde na sa panahon ngayon, parang hirap na hirap pumunta ng mga sinehan ang mga manonood.

“Nung sinabi sa akin na pang-Mother’s Day ang My 2 Mommies, hindi ako nagdalawang isip. Kasi, alam ko na marami akong mapapasaya na mga nanay. Mahalaga sa akin ang mga ina.

“Si Mother, nanay ko talaga ‘yan. Since wala na nga ang nanay ko, siya talaga ang itinuring kong nanay. Kaya kahit kailan niya ako kailanganin, palagi akong oo agad. Hindi ako tatanggi sa mga gusto ni Mother.

“Pero dahil kumita ang movie, ‘Where’s the envelope Mother?’ Hahahahaha!” natatawang chicka ni Maricel.

***

Lovi, Rhian, Max nagpatalbugan ng wedding gown

Kahit pilit na hinadlangan nina Solenn Heussaff at Renz Fernandez, sure ako na mauuwi sa happy ending ang The One That Got Away nina Rhian Ramos, Lovi Poe, Max Collins.

At sa final episode sa Friday, malalaman kung mari-realize ni Gab (Renz) ang kanyang pagkakamali at hindi na niya tutulungan si George (Solenn) sa masamang plano nito kay Liam (Dennis Trillo)?

Sa tingin ko, matutuloy pa rin ang triple wedding nina Zoe (Rhian Ramos)-Gael (Jason Abalos); Darcy (Max Collins)-Iñigo (Ivan Dorschner); and Alex (Lovi Poe)-Liam (Dennis Trillo).

Dahil kelan ba naman nagwagi ang kasamaan sa kabutihan, di ba?

‘Yun nga lang, ang dapat abangan, sino kina Rhian, Lovi, Max ang mas bongga ang wedding gown? Nagpatalbugan nga ang tatlo sa kung sino ang pinakamagndang bride sa kanila.

***

Barbie in love kay JM de Guzman

Mas umiinit na ang bawat eksena sa afternoon serye na Precious Hearts Romances presents: Araw Gabi lalo pa at unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Mich (Barbie Imperial) kay Adrian (JM de Guzman) matapos siya nitong alagaan at pasayahin nang mamatay ang kanyang magulang.

Isang sorpresa ang hinanda ni Adrian kay Mich nang ipasara niya ang pag-aari na amusement park para sa dalaga. Nang malaman ni Adrian na nasa panganib ang buhay ni Mich, hindi siya nagdalawang isip na ilayo ang dalaga sa tinitirahan nito at bantayan ang kanyang bawat kilos. Hindi man niya mababalik ang mga magulang nito, nangako siyang ibabalik ang mga ngiti sa labi ni Mich.

Ngunit ang kasiyahan sa mukha ni Mich ay mauunsiyami nang biglang pumasok sa eksena si Tanya (Phoebe Walker). Dahil kaya sa kanya mapurnada din ang namumuong pagtitinginan sa dalawa?

Samantala, hindi pa rin naman tumigil si Celestina (Vina Morales) na ungkatin ang pagkatao ni Mich. Malapit na kaya niyang malaman na sina Mich at Anna Vida ay iisa?