Una sa Balita

Cristine, Meg, Kylie, Roxanne, Nathalie nag-inarte sa Albay

By
0 2,424

Five days palang naka-lock in sa Legaspi, Albay nung nakaraang linggo sina Cristine Reyes, Meg Imperial, Kylie Verzosa, Roxanne Barcelo at Nathalie Hart for their movie shoot ng Abay Girls.

Dire-diretso nga ang shooting ng movie nila at kahit nga raw nagkaroon sana ng oportunidad na maka-raket sa last night ng campaign period for the barangay at SK elections ang mga ito, hindi raw talaga kinaya at pumuwede.

Nabalitaan kasi naming kinukuha sana ng ilang ‘mayayamang lider’ sa probinsya ng Albay ang kahit sino sa lima just to appear and say ‘hello’ since nandun na din sila, pero hindi nga ito pumuwede dahil sa tuhog-tuhog na mga eksena na dapat nilang tapusin.

Abante Hiring – IT dep

Pero how true ang tsismis na meron daw dalawa sa limang girls na nabanggit na umano’y may kakaibang ‘demand’ sa shooting schedule nila at dahil na din sa mga anik-anik nilang seremonya?

Na kesyo laging may kausap na mga tao, may kausap sa phone at busy sa paghahanap ng signal sa lugar at dahil mainit nga ang panahon, mas feel umano ng mga ito na magkulong ng mahabang oras sa air-conditioned room at mag-demand na sa bandang gabi na lang kunan ang mga eksena nila?

Ay true kaya ito? At sino naman kaya sila?

***

Sinuportahan ni Coco, Direk Toto waging kapitan sa Navotas

Nanalo nga si Direk Toto Natividad bilang Brgy. Chairman ng North Boulevard South, Kaunlaran, Navotas City. Dahil dito, marami ang nagsasabing mas lalo itong magiging matapang at palaban.

Kung ang mga death threat at paninirang may kaugnayan sa droga ay kanyang nalabanan, wala na raw rason para masindak pa ang action-director na very vocal sa pagiging ‘radikal’ sa mga isyu sa gobyerno.

Isa nga si Direk Toto sa mga taga-showbiz na pinalad na manalo nitong nakaraang eleksyon at isa din siya sa magpapatunay na may hatak ang mga artista sa kanyang victory. Ikaw ba naman ang suportahan ng halos lahat ng mga pangunahing bida sa Ang Probinsyano sa pangu­nguna ni Coco Martin?

Ang tanong na lang ng maraming netizens and observers, gaano siya kaiba sa ibang taga-showbiz pagdating sa public service at sa paggamit ng pondo para sa tao?

Aabangan natin iyan!