Una sa Balita

Andanar gigisahin sa P647M ASEAN caravan – Trillanes

By
0 1,472

Isinusulong ni Senador Antonio Trillanes IV ang imbestigasyon sa umano’y maanomalyang paggastos ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ng P647.11 milyon para sa information caravan sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) chairmanship ng Pilipinas noong 2017.

Sa kanyang Senate Resolution No. 733, iginiit ng senador na nais niyang matiyak na ginugol ang pondo ng PCOO sa ligal at tamang gastusin.

Nakasaad sa resolus­yon na isinulong ni PCOO Secretary Martin Anda­nar ang nationwide road show at information caravan dahil sa kakulangan ng kaalaman ng mga Filipino tungkol sa ASEAN.

Hinala pa ni Trillanes na nagamit ang pondo sa mga troll ng administras­yon.

“Ito na nga lumabas na sa information na gi­namit ito sa mga trolls, so they need to explain ma­laking pera ito at based sa ating assessment wala silang paggagamitan nito,” ani Trillanes.

Inilunsad aniya ng PCOO sa pamamagitan ng Committee on Media Affairs and Strategic Communications (CMASC) na pinamumunuan ni Undersecretary Noel Puyat.

Pinuna ni Trillanes sa kanyang resolusyon ang ulat na nagbitiw si Puyat sa gitna ng kontrobers­yang ito. Pero wala pang kumpirmasyon mula sa Malacañang sa pagbibitiw diumano ni Puyat.

Ginamit din ni Trillanes na batayan ng ipinatatawag nitong imbestigasyon ang report ng Commission on Audit (COA) na may anomalya diumano sa information caravan para sa ASEAN 2017.