Una sa Balita

Pepsi-Cola Phils. nalugi ng P140M sa TRAIN Law

0 1,559

Nalugi ng P140 milyon ang Pepsi-Cola Products Philippines Inc. sa unang quarter ngayong taon dahil sa dagdag na buwis sa mga produktong katulad ng soft drinks sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Bahagyang bumaba ang gross sales ng Pepsi sa P8.15 bilyon sa unang quarter ng 2018.

Nasa P8.19 bilyon ang gross sales ng kompanya noong unang quarter ng 2017 pero nakapagtala naman ito ng profit o kita na P93 milyon.

Tatlong uri ng produkto ang ginagawa at binebenta ng Pepsi sa Pilipinas: soft drinks, non-carbonated beverage at snacks or chichirya.

Mahigit sa P6 bilyon ang nabentang soft drinks ng Pepsi noong unang quarter, P2 bilyon sa mga non-carbonated beverage tulad ng Gatorade at P58 milyon mula sa snacks tulad ng Cheetos.

Kabilang ang mga sugar-sweetened drink sa mga pinatawan ng karagdagang buwis sa ilalim ng TRAIN Law.