Una sa Balita

De Castro tinabla sa Ombudsman

By
0 1,183

Tinanggihan ni Sup­reme Court (SC) Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro ang kanyang nominasyon para sa posisyon ng Ombudsman.

Sa kanyang liham kay Acting Chief Justice Antonio Carpio na siya ring acting chairman ng Judicial and Bar Council (JBC), ipinahayag ni De Castro na hindi niya tinatanggap ang pag-endorso sa kanya ni retired Associate Justice Arturo Brion.

Nagpasalamat naman si De Castro sa pag-endorso sa kanya ni Brion pero patuloy umano siyang magsisilbi bilang mahistrado ng SC hanggang sa kanyang pagreretiro.
Si De Castro ay sasapit na sa mandatory age retirement sa SC na 70 sa darating na ­Oktubre.

Nagtapos na kahapon ang pagsusumite ng aplikasyon para sa posisyong babakantehin ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Magreretiro si Morales sa Hulyo 28, 2018 na siyang pagtatapos ng kanyang pitong taong termino sa Office of the Ombudsman.