Una sa Balita

2 milyong pensiyonado binabarat ng SSS

By
0 907

Inupakan kahapon nina ACT Teachers Party-List Rep. Antonio Tinio at France Castro kahapon ang plano na ibitin ang pangalawang round ng dagdag sa pensiyon ng Social Security System (SSS).

Sa halip kasi na ipa­tupad ito sa susunod na taon ay balak na ibigay ng SSS ang dagdag na pensiyon sa 2020 pa.

Batay kay SSS president at CEO Emmanuel Dooc, mahaharap sa matinding problema ang SSS kapag ipinatupad ang dagdag na pensiyon at hindi itataas ang kontribusyon.

Matatandaan na inap­rubahan noong 2017 ang P2,000 increase sa SSS pension. Biniyak ito at P1,000 muna ang buwanang ipinamimigay habang ang kalahati pa ay sisimulan dapat ipamahagi sa mga pensiyonado ng SSS pagsapit ng 2019.

Sabi ni Tinio, hindi kinukonsidera ng liderato ng SSS ang magiging epekto nito sa kanilang mga miyembro.

Sinabi naman ni Castro na alibi lamang diumano na hindi magtatagal ang buhay ng SSS kapag hindi nagpatupad ng dagdag na kontribusyon.