Una sa Balita

Rapist ni misis naaresto

By
0 3,532

Makaraan ang pitong buwan pagtatago, nasukol ng pulisya ang itinuring na no. 1 most wanted na gumahasa ng kanyang misis sa Gen. Trias City, Cavite kamakalawa nang hapon.

Pansamantalang nakakulong sa Bacao Custodial Center ang suspek na si Toribias Orias, isang obrero ng Block 67 Lot 52, LRTA Subd., Santiago, Gen. Trias City, Cavite bago ito ilipat sa Matag-ob, Leyte.

Si Orias ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Maria Corazon Vergara-Naraja ng Regional Trial Court, Branch 47 sa Ormoc City dahil sa reklamo ng kanyang misis na si Jenibeth sa kasong 2 counts of Rape.

Sa report ni PO2 Riel Manalo ng Gen. Trias City Police Station, Warrant Section, dakong alas-dos nang hapon nang nagsagawa ng pinagsanib na puwersa ng Gen.

Trias City Provincial Police Office (PPO) at Matag-ob Municipal Police Office (MPO, Leyte Provicial Office (PPO) kung saan kabilang ang suspek sa matagal nang pinaghahanap matapos na may nakapag-tip na ang suspek ay nagtatago sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Ayon kay Manalo, gusto umanong makipagbalikan si Orias sa kanyang asawa matapos silang maghiwalay subalit nang umuwi sa Matag-ob, Leyte ay nalaman na may iba na pala itong kinakasama kaya ginasaha niya ang kanyang misis.

Nang nalaman ni Orias na nagreklamo ang kanyang misis ay nagtago ito at napadpad sa Gen. Trias City, Cavite.