Una sa Balita

P270M medical kit ni Duque sa mga biktima ng Dengvaxia, sinupalpal sa Kamara

By
0 657

Sinita ni House Appropria­tions Committee chairman at Davao City Rep. Karlo Nograles ang plano ng Department of Health (DOH) na bumili ng P270 milyong halaga ng medical kit para magamit ng mga batang naturukan ng Dengvaxia.

Dahil dito, inatasan ni Nograles si DOH Secretary Francisco Duque na baguhin ang diskarte sa pagkakaloob ng ayuda sa mga naturukan ng Dengvaxia.

Ayon kay Nograles, dapat ‘re-prioritize’ ng DOH ang mga item na nakapaloob sa panukalang supplemental budget na laan sa Dengvaxia vaccinees.

“Kung kami sa Congress ang magsasabi…I think you have to recast. You have to re-prioritize this,” giit ni Nograles kay DOH Secretary Francisco Duque III sa briefing kahapon ng ­Appropriations panel.

Pakay ng Kongreso na aprobahan sa lalong madaling panahon ang supplemental budget para sa mga batang naturukan ng kontrobersiyal na bakuna alinsunod sa House Bill (HB) No. 7449 o o Supplemental Budget for 2018.

Huhugutin ang pondo sa P1.16 bilyon na ni-refund ng manufacturer ng Dengvaxia na Sanofi Pasteur.

Batay sa mungkahi ng DOH na iprinisinta sa mga miyembro ng Kamara­, umaabot sa P270M ang ilalaan sa pamamahagi ng medical kit sa Dengvaxia­ vaccinees, P300M sa active case finding (project based profiling/ navigation of vaccinees), P84M sa medical assistance program na para sa Dengvaxia patients, P776M ang para sa outpatient care package, at P67M sa deployment ng mga nurse gayundin sa health education and promotion officers (HEPOs).

“Ang una kong babatikusin dito ‘yung medical kit…tanggalin na lang natin itong medical kits and let’s focus on profiling muna these children para maging kampante ang mga magulang. I’d scrap that medical kit,” ani Nograles.

Iginiit ng mambabatas na dapat mag-concentrate o tumutok ang DOH sa pagkompleto muna sa profiling ng vaccinees nang sa gayon ay matukoy ang seronegative patients.
“These patients should be saved and prioritized as far as state-sponsored me­dical treatment goes,” ayon kay Nograles.

Ayon sa DOH, kasama sa ipamimigay na medical kit ang isang thermometer, dalawang bote ng multi-vitamins, at isang mosquito repellant.