Una sa Balita

MRT-3, 22 araw na walang tirik

By
0 2,596

Umabot na sa 22 araw na walang naranasang aberya o pagtirik sa operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, simula nang sumailalim sa maintenance ang mga bagon noong Semana Santa kasabay ng pagda­ting ng mga bagong piyesa­, ay hindi pa pumapalya ang operasyon ng MRT-3.

Dahil dito, sinabi ni media affairs head Aly Narvaez, naitala ang pinakamatagal na walang aberya sa biyahe ng MRT-3 base sa rekord nila mula taong 2011. Noong 2014, nasa 13-days ang pinakamahabang panahon na walang naging aberya sa biyahe ng MRT-3 at nga­yong Abril at Mayo 2018 ay nagkaroon ng magandang rekord ang tren.

Kasabay nito ang pagbiyahe ng 18 tren mula Taft Avenue sa Pasay City hanggang North Avenue sa Quezon City ang makapagbibigay ng serbisyo nang walang anumang aberya o pagtirik.

Nabatid na ang 18 bimibiyaheng tren ng MRT ang pinakamataas na bilang ng tren nai-deploy simula noong Nobyembr­e 2017.

Samantala, inaasahan ng Department of Transportation (DOTr) na maikakasa ang kasunduan para sa rehabilitasyon ng MRT-3 mula sa tulong ng Japan International Cooperatio­n Agency­ (JICA) ngayong Hunyo 2018.