Una sa Balita

Yaman ni Robredo kinain ng Marcos electoral protest

By
0 1,325

Ang mga nagastos sa electoral protest ang tinukoy na dahilan ni Vice President Leni Robredo kaya bumaba sa mahigit P7.76 milyon ang kanyang net worth.

Sa 2017 Statement of Assets, Liabi­lities, and Net Worth (SALN) ng Pa­ngalawang Pangulo,­ lumitaw na umabot lamang sa halagang P1,114,102.84, ang net worth ni Robredo­, bumaba ng P7.76 milyon mula sa P8,878,111.43 noong Disyembre 2016.

Tinukoy ni Robredo sa kanyang SALN na ang pagbaba ng kanyang net worth ay dahil binayad bilang ‘partial counter-protest fee’ na dineposito­ sa Presidential Electoral Tribunal(PET).

Noong 2016, ang lia­bilities ni Robredo ay nasa halagang P6.9 mil­yon ngunit taong 2017, lomobo ito sa P11.9 milyon.

Inirehisto nito ang dagdag na mga loan o utang mula kay Pablito Chua (P1 milyon), Vicente Hao Chin, Jr. (P2 mil­yon), at Rafael Bundoc (P2 milyon); pawang kamag-anak ng namayapang asawa na si dating Inte­rior and Local Government Secretary Jesse Robredo.

Ito’y bilang karagdagan sa nauna na nitong utang mula sa ari-arian nina Marcelina Robredo (P1 milyon), Jose Robredo (P2 milyon), Jose Robredo Jr. (P1.15 milyon), Jocelyn Austria (P2 mil­yon), at Salvacion Gerona­ (P750,000).

Kabilang sa mga idineklang mga asset ni Robredo ay ang residential house and lot sa Naga City, gayundin ang residential, agricultural, orchard at memorial lots, na nasa Naga City rin na may total acquisition cost na P1.73 milyon.

Bukod sa isinama rin nito ang P11.28 mil­yon na cash, furniture, appliances, jewelry­, insurance­, Toyota Innov­a at T­oyota Grandia.