Una sa Balita

Lebron na-bully sa Boston

By
0 2,938

Dalawang larong ipinagtulakan si LeBron James sa Boston.

Resulta, nabaon na ang Cleveland Cavaliers, 2-0, laban sa ­Celtics.

Tumabo ng 42 points, 12 assists at 10 rebounds si James, pero hindi sapat ang NBA-leading third triple-double niya sa playoffs para isalba ang Cavs sa 107-94 talo.

May 23 points si Jaylen Brown, 18 markers kay Terry Rozier, tumapos si Al Horford ng 15 points at 10 rebounds para sa Boston na tagumpay na naipagtanggol ang home court at hawak ang momentum na dadayo ng Cleveland para sa Game 3 sa Sabado.

“We’re going to fight,” ani Rozier. “At this point we don’t care if we win by half a point. If we win, that’s all that matters.”

Nagliliyab na inum­pisahan ni LeBron ang laro, nilista ang 21 sa 27 points ng Cavs sa first quarter para pantayan ang playoff career high niya sa points sa isang ­period. May 15 points lang siya nang ilampaso ang Cleveland sa Game 1, 108-83.

Inabot pa siya ng strained neck nang makipagbanggaan kay Jayson Tatum habang pa-drive sa first half, nawala sandali pero nakabalik din. Kaya lang, nangapa na ang Cavs sa second half at na-outscore ng Celtics, 59-39.

Nag-deliver si Kevin Love ng 22 points at 15 rebounds, may 11 points off the bench si Kyle Korver, pero wala nang ibang nakaayuda kay James. Sina Tristan Thompson, JR Smith at George Hill ay may pinagsamang 11 points lang sa 5 of 17 shooting.

Ayaw pang sumuko ni LeBron, kahit nu’ng huling mabaon siya, 0-2, sa playoffs ay tinalo rin ng Boston noong 2008 nang magtuloy-tuloy sa NBA title ang Celtics.

“I think I’ll be fine,” bulalas ni James. “They did what they had to do, and that was protect home, and now it’s our time to try to do that, as well.”