Una sa Balita

‘Nestlé for Healthier Kids’ inilunsad

0 991

Isinabay ng Nestlé ang pag-uumpisa ng kanilang programa sa pagdiriwang ng United Nations (UN) ng International Day of Families, ang ‘Nestlé for Healthier Kids’ upang magkaroon ng malusog na panga­ngatawan ang 50 milyong bata sa buong mundo.

Nakatuon ang prog­rama sa pagpapaunlad nang mas masustansyang produkto ng Nestlé at pagbibigay-payo sa mga pamilya ukol sa nutrisyon at ehersisyo. Taong 2017, naglabas ang kompanya ng higit sa 1,000 produkto na naaayon sa mga pangangaila­ngan ng kabataan sa 66 na bansa na may kakula­ngan sa micronutrients tulad ng iron, iodine at bitamina.

Nakiisa ang Nestlé Philippines sa paglulunsad ng Nestlé for Heal­thier Kids sa pagnanais na makatulong sa mga magulang na mabigyan ang kanilang mga anak ng malusog na buhay.

Ipagpapatuloy ng kompanya ang pagbabawas ng asukal, asin at saturated fats sa kanilang mga produkto na ginagamitan ng makabagong ideya para mapahusay ang pagkain at inumin para sa kabataan na mas maraming sangkap ng prutas, gulay fiber-rich grains at micronutrients.