Una sa Balita

Botanteng OFW nasa 1.6 milyon sa 2019 – DFA

By
0 986

Inihayag kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa 1.6 milyon ang mga overseas Filipino worker (OFW) na botante sa darating na 2019 national election.

Ayon sa DFA Voting Secretariat, nahigitan nito ang dating 1.3 mil­yong mga voter para sa nakaraang presidential election.

Base sa overseas vo­ters registration, bago matapos ang registration period sa September 30, 2018, posibleng aabot na sa 1.6 milyong overseas voter para sa darating na 2019 election.

Nabatid kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano, ito ay patunay aniya na pagsisikap at dedikasyon ng mga kawani sa foreign service na humikayat sa mga OFW na gamitin ang kanilang karapatan sa pagboto.

Kung saan malaki ang ginampanang papel ng media, mga blogger at overseas voter stakehol­der para sa kamalayan ng mga Pinoy sa abroad na gamitin ang kanilang karapatan sa pagboto.

Pahayag pa ng DFA, na lahat ng Filipino citizen na ang edad ay nasa 18 pataas na nasa ibang bansa ay maaaring magparehistro bilang overseas voters.