Una sa Balita

Wala nang bisa ang kasal

By
0 1,046

Dear Atty. Claire,

Magandang araw po. Ako po ay dating Filipino citizen. We’ve got married in the Philippines, she was a US citizen. Pagkakasal po ay we moved to US, then naging US citizen ako.

After 5 yrs, we got separated. Nga­yon po ay we want get divorced in the US. Tanong ko po, if our petition for divorce will be approved in the US… ‘yun po bang marriage namin is still valid or null since pareho na po kaming US ci­tizens?

Thank you.

Emil

***

Dear Emil,

Totoong hindi na kayo saklaw ng batas ng Pilipinas at maitutu­ring na ang kasal ninyo ay terminated na o napawalang bisa na diyan sa US na kumikilala ng divorce… at ang divorce na iyan at kikilalanin na rin dito sa atin dahil ikaw ay isang ganap na US citi­zen na kapag nagsampa ka na ng Application or Petition for Divorce. Ayon kasi sa ating Family Code 26. xxxx

Where a marriage between a Filipino citi­zen and a foreigner is validly celebrated and a divorce is thereafter validly obtained abroad by the ­alien spouse capacitating him or her to remarry, the Filipino spouse shall have capacity to remarry under Phi­lippine law. (As amended by Executive Order 227)

Ngunit hindi awtomatikong mabibig­yan ng karapatan ang Filipino na makapag-asawang muli dahil ang decision sa divorce ay pinataw mula sa ibang bansa ay masasabi na isa itong foreign decision at kakailanganin pa na ma-recognize o kilalanin ito sa pamamagitan ng isang petition sa korte. Papatunayan sa korte na ang naging decision ng korte sa ibang bansa ay legal at valid.

Dahil sa pareho naman kayong US citizen na binigyan ng US ng kapasidad na mag-asawang muli ay hindi ninyo kakailangan pang magpa-recognize ng divorce dito para makapag-asawang muli.

Ngunit kung ang balak mong pakasalan ay isang Filipina at nais mong magpakasal sa Pilipinas ay kakaila­nganin mong ipa-re­cognize ang divorce proceedings dahil ang dati mong kasal ay nanati­ling nasa record ng a­ting ahensiya (NSO, now PSA) at hindi ito masasabing na-terminate o napawalang bisa na hangga’t hindi dumaraan sa korte ang pagsusuri ng nasabing decision tungkol sa divorce.

Recognition of a fo­reign decision pa rin ang kakailanganin mo kung sakaling may provision sa decision tungkol sa hatian sa ari-arian na narito sa Pilipinas. Hindi iyan mahahati ayon sa decision sa divorce kung hindi mo rin mapapa-recognize ang nasabing decision sa pamamagitan ng isang petition na dedesisyonan naman ng korte dito sa Pilipinas.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com