Una sa Balita

‘The Voice Kids’ talent todas sa motorsiklo

By
0 1,461

Patay ang dating contestant ng ‘The Voice Kids’ talent search program ng ABS-CBN na si Christian Pasno matapos sumemplang ang minamanehong motorsiklo sa San Juan, Batangas, Linggo nang gabi.

Sa imbestigasyon ni PO1 Richard Valenzuela, lumabas lamang para mamasyal sa Barangay Mabalanoy ang 13-anyos na biktima kasama ang isang kabarkadang naka-motorsiklo din.

Mabilis umano ang pagmamaneho ni Pasno kaya dumulas sa nakakalat na buhangin ang motorsiklo sanhi ng pagsemplang nito.

Tumilapon ang walang helmet na si Pasno sa nakatambak na buhangin sa ginagawang kalsada.

Sinubukan pang i-revive si Pasno ngunit binawian din ng buhay.

Si Pasno ay na­ging semi-finalist sa The Voice Kids Phi­lippines noong 2015 sa ilalim ng Team Bamboo.