Una sa Balita

Mag-asawa sinaksak ng kapitbahay na kawatan

By
0 1,696

Kapwa malubhang sugatan ang isang mag-asawa nang saksakin ng kapitbahay nilang kawatan, makaraang pasukin at tangkang pagnakawan sa Valenzuela City, kahapon ng mada­ling-araw.

Nasa Fatima Medical Center ang mga biktimang sina Marlyn, 41 at Oscar Borja, 47, ng Block 12, Lot 21, Northville 11, Barangay Bignay ng nasabing lungsod.

Nagtamo nang saksak sa dibdib si Marlyn habang may malalim na sugat sa ulo si Oscar nang saksakin ng suspek na si Noriel Alibadbad, 19.

Abante Hiring – IT dep

Ayon sa report, bandang alas-dos ng mada­ling-araw, pinasok ni Ali­badbad ang 2nd floor ng bahay ng mag-asawang Borja at kinuha ang mga nakatambak na bakal.

Nagising si Marlyn dahil sa kaluskos pero nang sitahin niya ang suspek, sinaksak siya nito sa dibidb.

Dahil sa ingay ay na­gising din si Oscar at nang sasaklolohan ang misis, siya naman ang sinaksak nito sa ulo.

“Nagsisigaw po ako kaya nagising ang mga kapitbahay namin,” ani Marlyn.

Bandang alas-singko nang hapon, dinampot na sa follow-up operation ng Detective Ma­nagement Unit (DMU) ng Valenzuela Police si Alibadbad na pakalat-kalat sa kanilang lugar, saan nakumpiska sa kanya ang patalim na ginamit sa krimen.

Nahaharap sa mga kasong frustrated ­murder at paglabag sa Batas Pambansa Blg. 6 ang ­suspek.