Una sa Balita

114 kilo ng botcha nasamsam sa Davao del Sur

0 249

UMABOT sa mahigit 114 kilo ng hot meat ang nasamsam sa isang palengke sa bayan ng Bansalan, Davao del Sur, Biyernes nang umaga.

Ayon sa National Meat Inspection Service­ (NMIS), nag-surprise visit sila sa isang palengke sa bayan ng Bansalan at siniyasat ang mga panindang karne na kung saan ay hinanapan nila ng meat inspection certificate ang mga tindero at tindera subalit wala silang maipakita kaya agad na kinumpiska ang panindang karne.

Ayon kay NMIS-Davao regional head Sofronio Lago Jr., makokonsiderang hot meat at mishandled ang karne. Kasamang sinamsam ang isang patay na kalabaw matapos paghinalaang ‘flooded’ o pinai­nom muna ng maraming tubig upang bumigat ang timbang ng karne.

Agad namang ibinaon sa lupa ang mga nakumpiskang karne.

Nagbabala ang NMIS na maaaring pagmultahin at kanselahin ang business permit at permit to operate ng mga mahuhuling vendor o dealer, alinsunod sa Republic Act No. 9296 o ang Meat Inspection Code of the Philippines. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy