Una sa Balita

Mga utol ni James palamunin, puro walwal?

‘Hateful opinions don’t get to me’

By
0 3,929

Hindi pinalagpas ni James Reid ang isang netizen na dinadamay ang mga kaibigan at family members niya. Noong i-launch kasi ang video teaser ng bagong single niya na 16B on Instagram, pinakilala ni James ang producer ng song na si Mat Olivades at ang gumawa ng cover art na si Henzon Lee. May sariling music label na kasi si James na Careless Music Manila.

Ayon concerned ne­tizen, dapat ay maging aware si James sa kanyang social circle dahil ginagamit lang daw siya ng mga ito para sumikat din. Dinamay pa ng netizen ang mga kapatid ni James na sina Lauren at Tom na ginagamit din daw si James para magkaroon ng pangalan sa showbiz.

Heto ang magkakasunod na comments ng netizen:

“Nabigyan mo na rin ng katuparan @james ang dream ng mga kaibigan mo like @loxprod (Justin Valiente) na humi­hingi na ng work, oh ayan xa na ang director ng mv mo! Oha! Kya dikit ng dikit! C @zonlee (Henzon Lee) nman, f na f na ang cool ng art nya, jusko ang babaduy nman! C @narez_ (Narez La Fuego) anong work ang ibibigay mo @james? PA?”

“Oi bigyan mo nman ng work c @tomdareid (Tom Reid) especially may bago na namang palamunin yung jowa niya! Bka mas malakas pa yan lumamon ky ashley, next mv mo, c @tomdareid at jowa na director kc ng-aaral sa cebu dba? Pra sulit nman yung pang-tuition mo no? Tapos @james will post, IM SO PROUD OF MY BRO @tomdareid”, binigyan mo na c @laurenreidabook (Lauren Reid) ng break nun, naging cover girl sa lahat ng maga­zine, yun lang walang bumibili, and ang laki na nyang babae ngayon, kahit todo workout, puro walwal nman!”

Sinagot ni James ang naturang netizen at sinabi niya na walang siyang nakikitang masama sa pagtulong, lalo na sa sariling kapatid at sa mga kaibigan.

“You’re looking at it wrong. I’m lucky to be around such talen­ted people and even more lucky to call them friends. Can you say you’ve helped your loved ones in a way that allows them to express themselves creatively and made something beautiful together?

“If you don’t like what you hear or see, then DO BETTER. Don’t complain. Contribute. Everyone knows hateful opinions don’t get to me. If you want to get to me, speak of love and creation. If you allow hate to manifest through you that’s all you’ll receive. You gotta give love to get it girl.”