Una sa Balita

Chris Brown damay sa rape

By
0 1,850

Isang babae ang nagsampa ng isang lawsuit laban sa rapper na si Chris Brown dahil sa naganap na panggagahasa sa kanya sa bahay nito. Ito ang kuwento ng biktima, na tinatawag sa ngalang na Jane Doe, tungkol sa gabing na-sexual assault siya sa mismong bahay ni Brown at involved dito ang ilang kaibigan nito.

Ayon sa legal representative ni Jane Doe na si Attorney Gloria Allred, isa raw ito sa ‘most horrific sexual assault cases’ na kanyang hinawakan.

Nakasaad sa lawsuit na ni-rape ang biktima multiple times ng kaibigan ni Brown na si Young Lo (real name: Lowell Grissom, Jr.). Pinuwersa rin daw si Jane Doe na mag-perform ng oral sex sa isang babae.

“Plaintiff found herself being sexually battered by two people at the same time,” ayon sa lawsuit.

Kinuha raw ng mga taong ito ang cellphone niya at hindi siya pina­labas ng bahay.

Though hindi nabanggit ang pangalan ni Brown bilang assailant, pero ka­sabwat siya sa pagpayag na magahasa si Jane Doe sa mismong pamamahay niya.

Ayon pa sa salaysay ni Jane Doe, dinala raw siya nina Brown at Grissom sa isang bedroom dahil nandoon daw ang cellphone niya. Binigyan daw siya ni Brown ng isang pill pero hindi niya ito ininom. Natakot daw siya dahil may bitbit na baril si Brown.

Ang ina ng biktima ay gumamit ng tracking app na nagdala sa kanila sa bahay ni Brown. Pero hindi pinapasok ni Brown ang mga pulis noong magtangkang mag-welfare check ang mga ito sa property niya.

“Our client, Jane Doe, has been severely traumatized by what she was forced to suffer.

“She filed this lawsuit because she wants justice for herself, but she also wants to warn other young women about the potential danger to themselves if they have their phone taken away, and if they go to Chris Brown’s house.

“She does not want any other young woman to endure the violent sexual assaults that she was forced to endure in an environment of guns and drugs,” ayon pa sa statement ni Allred sa media.