Una sa Balita

Loisa suko sa giyera kay Julia

0 3,071

Hindi itinanggi ni Loisa Andalio na nag-a-‘I love You’ nang madalas sa kanya ang dyowa niyang si Ronnie Alonte. Nahihiya mang aminin, pero mukhang niri-reciprocate naman niya ito.

Wala pa mang direktang pag-amin kung sila ngang dalawa, pero, her body language would reveal na meron na ngang something-something sa kanilang dalawa, lalo na nang hindi naman niya itanggi na si Ronnie ang pinakamalapit na lalaki sa kanya ngayon at nagpapasaya sa mundo niya.

Halata ring naka-recover na siya fully sa pinagdaanan nila ni Joshua Garcia dahil nagkatrabaho na sila sa The Good Son at wala namang intrigang namagitan sa kanila. Past is past, ika nga.

Nakakatuwa nga ang twist sa lovelife ni Loisa dahil si Ronnie ay na-link rin kay Julia Barretto noon na dyowa naman ngayon ni Joshua. O, ang saya, devah?

Klinaro rin ng dating PBB housemate ang intriga sa pagitan nila ni Julia dahil sa tweet nito na maraming fans ang nag-react na siya ang pinatatamaan ng anak ni Marjorie Barretto.

Okey na okey raw sila at nagkapaliwanagan na sila through text messages and assured each other na wala silang dapat pag-awayan.

Nag-message na raw sa kanya noon si Julia na gusto siyang tawagan, pero dahil busy rin siya sa work that time, hindi nangyari ang voice call kundi exchanges of texts lang.

Anyway, pareho namang secured na sila sa kani-kanilang personal na buhay, kaya instead of buwisitin nila ang isa’t isa sa mga magnified negative thoughts, ini-enjoy na lang nila ang kanilang buhay at pabonggang careers.