Una sa Balita

Juday inili-link kay Coco, Ryan itsinitsismis kina Marian, Andrea

By
0 2,760

Kaloka lang, na tatlo na ang anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, may mga nagmamaasim pa rin sa relasyon nilang dalawa. Eh, kitang-kita nga kung gaano kasaya ang relasyon ng dalawa, gusto pa ring buwisitin ng iba.

Ika-40th birthday ni Juday last May 11, at bongga nga ang sorpresang ginawa ng husband niyang si Ryan para sa kanya. Nasorpresa nga talaga ang Juday dahil biglang-bigla nasa harap na niya ang mga kaibigan at kinakantahan siya ng ‘happy birthday’, ha!

Bukod pa yan sa pagta-travel nila kamakailan, at kung ikaw si Juday, malulunod ka talaga sa kaligayahan sa mga pinaggagawa sa kanya ng mister niya.

Pero bago ang birthday ni Juday, nag-post siya ng picture na nagpapa-facial siya, o nagpapaganda, kahit maganda na nga siyang talaga.

“E kasi nga dapat masipag bago mag 40!’ sey niya sa photo na ‘yon.

Eh, sa photo na ‘yon, isa sa mga unang nag-like si Coco Martin. At dahil doon, biglang nakaimbento na ng kuwento ang ibang mga fan ni Juday. Biglang-bigla may kilig sa kanila ang pagla-lik na ‘yon ni Coco sa mga post ni Juday. Parang type nilang pagsamahin sa isang movie, o teleserye sina Juday at Coco, ha!

@risa_pinescity ‘Kakilig naman c @mr.cocomartin madalas mag-like sa mga post ni @officialjuday @ryan_agoncillo.’

@amliv4ever ‘@risa_pinescity kaya nga lalo nka2-inlove, charot.’

Pero heto na nga ang mas nakakaloka, at hindi mo talaga maintindihan kung saan o ano ang pinanggagalingan niya.

@mba15141210 ‘Si Coco Martin nagla-like tapos ang sariling asawa hindi nagla-like @ryan_agoncillo.’

@mba15141210 ‘Kasi ang mga nilalike ni @ryan_agoncillo puro yung labas katawan labas boobs labas pwet katulad ng kina Marian Rivera at Andrea Torres.’

@mba15141210 ‘Ang role ni Juday tagagastos pag may trip sila mag-asawa! @ryan_agoncillo.’

Oh, di ba? Malala ang pagkakaimbento ng kuwentong ito, nandamay pa ng mga artistang nananahimik, ha! Ano naman ang kinalaman nina Marian at Andrea kay Ryan Agoncillo?

Ni-like lang, may meaning na talaga? Gawan ba ng tsismis si Ryan kina Marian (na sobrang happy sa mister na si Dingdong Dantes) at Andrea?

Sa panahon ngayon, kung maiksi lang ang pisi mo, kung patola ka lang talaga, baka manugod ka na lang talaga.

Pero, dahil ang mga artistang involved na tulad nina Ryan at Juday ay wala nang insecurities sa katawan, at dumaan na rin sa mahaba-habang pagsubok, dedma na lang sila.

Well, hindi ko nga sure kung nabasa ba ni Juday, o ni Ryan, ang mga mensaheng ‘yon sa kanila ng basher nila na nagpapanggap lang na fan.

At gaya ng madalas sabihin ng maraming artista, masaya sila, at mamatay kayo sa inggit, no! So sorry na lang kayo!

Anyway, halata mo ngang basher lang ang account na ito, dahil isa lang ang follower (ang singer na si Jay-R), walang pina-follow, walang post, at wala ring profile photo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy