Una sa Balita

Battle of Champion 4-Cock Derby sa Elorde syapol sa Mayo 21

0 880

Malapit nang syumapol ang mga magaga­ling na manok-panabong sa isasagawang Battle of Champion 4-Cock Derby sa Mayo 21, 2018, sa Elorde Cockpit Stadium sa Sucat, Parañaque City.

Ipino-promote ni businessman/sportsman Johnny Elorde, ang 4-cock derby na ito ay may guaranteed prize na P300,000 habang nakatakda sa P11,000 ang entry fee at may minimum bet na P5,500. Tatanggap ang handler at gaffer ng winning entry ng P20,000 at P10,000, ayon sa pagkakasunod.

Inaasahang lalahok ang top breeders ng bansa maging mga sabong aficionados katulad nina Atty. Arcal Astorga, Paning Kamot, Baybay Leyte, Mayor Nene Aguilar (Las Piñas Coliseum), Silver Malet, Jessie & Jojo Marquez, Ka Cyrus, Boss Danny, Darex Binakayan Cockpit, Tropang G., Atty. Tablang Suri & Mar Makati, Alak Pa, Batangas Group, Vetsin & John, Ka Manalo, JS Pabuto, Danny Santos, Rey Agimat RBW, Boss Gogola Bikol, Lazaro Group, Cesar Betterliving, Amare, Kap. Adriel, Mr. Yap, Birada, Boss Chito Bong Kaliwete, Boss Raffy Zaide, Doc. Anthony at Don Manolo.

Nakatakda ang timba sa 1.8-2.4 kilograms at ang submission at declaration of weights ay isasagawa isang araw bago ang laban o sa mismong araw ng sabong. Para sa submission of entries, kontakin si Raymond (Manero) Leyte sa cell. no. 0905-2466440 o 0947-8048325.

Ang unang laban ay gagawin eksaktong alas-siyete nang gabi. Para sa cockhouse reservation, kontakin pa rin si Manero. Sa mga katanungan, tumawag sa Elorde Office: 826-4463 o 825-9385.