Una sa Balita

Desisyon ng SC irespeto – Palasyo

By
0 564

Nagsalita na ang Supreme Court (SC) kaya’t dapat na igalang ang naging desisyon ng mga mahistrado.

Ito ang inihayag ng Malacañang matapos bomoto ang mayor­ya ng mga mahistrado ng SC sa quo warranto petition laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang SC ang final arbiter ng batas kaya’t dapat na irespeto ito ng publiko.

Ang desisyon aniya ng SC ay patunay na walang mas nakahihigit sa batas.

“The High Court has spoken. Let us respect its decision granting the quo warranto petition as the proper re­medy and the quo warranto petition ruling against Chief Justice Ma. Lourdes Sereno. The Supreme Court, a co equal branch of go­vernment, is duty-bound to uphold the Constitution. The court ruling is likewise an assertion of the supremacy of the fundamental law of the land,” ani Roque.