Una sa Balita

Thunderbird Manila Challenge itinakda

By
0 1,020

Ang mga pinakamala­laki at pinakamanining­ning na mga bituin ng Philippine cockfighting ay magtutuos sa isang matinding labanan para sa karangalan sa makasaysayang 2018 Thunderbird Manila Challeng­e na gaganapin sa Smart Araneta Coliseu­m sa Mayo 28.

Ang Thunderbird Manila Challenge All-Star Invitational 6-Cock Derby ay itatanghal ang mga sikat na endorser ng Thunderbird Power Feeds at Thunderbird Powervet kasama ang mga kampeon sa mga ginanap na Thunderbird Regional Challenge.

Kasama sa listahan sina Engr. Sonny Lagon, Rafael ‘Nene’ Abello, Dicky Lim, Gov. Eddiebong Plaza, Nestor Vendivil, Rey Briones, Cong. Lawrence Wacnang, Joey Sy, Boy Tanyag, Pol Estrellado, Boy Marzo, Engr. Sonnie Magtibay, Mayor Baba Yap, Bebot Monsanto, Frank Berin, Joe Laureño, Baham Mitra, Carlos Tumpalan, Boy Lechon, Pao Malvar, Vic Laca­sao, Tan Brothers, Kano Raya, Lino Mariano. Tol Mariano, Bernie Tacoy, Winnie Codilla, Marcu del Rosario, Bentoy Sy, Dennis de Asis, Mayor Jesry Palmares at Hermin Teves.

Abante Hiring – IT dep

Kasali din ang mga Regional Challenge solo champions na sina Engr. Taguibao (ECT Gamefarm) mula North Luzon sa ginanap na 5-cock derby noong nakaraang Abril 26 sa Pampanga Coliseum; Charlie ‘Atong’ Ang (AA Viking) mula sa South Luzon na idinaos nung Abril 27 sa Lucena Cockpit Arena; Hector Ching (HC Gamefarm) mula Central Visayas na ginawa nu’ng Abril 29 sa Gallera de Mandaue at sina Warnell Dellota & Chito Tinsay (June 16 Iloilo Coliseum) mula sa Western Visayas sa derby na ginanap noong Abril 29 sa Iloilo Coliseum.