Una sa Balita

UNTV Cup: Marquez panghagibis ng Magis

By
0 1,904

Laro bukas
(Pasig City Sports Center)
3:00 p.m. – Mala­cañang vs Ombudsman
4:30 p.m. – DOJ vs Judiciary

Pupuwersa ang M­alacañang Kamao na makapostura sa pagsabak nila kontra Ombudsman Graftbusters bukas sa UNTV Cup Executive Face-Off sa Pasig City Sports Center.

Umaasang maihapit ni Presidential Special Assistant Bong Go ang kanilang tropa matapos ang petmalung 78-74 pagkatalo sa Senate Sentinels sa opener nu’ng Linggo, sa salpukan nila ng Graftbusters, alas-tres nang hapon.

Ang kalihim mula Davao City ay nagpamalas ng husay sa pagpitas ng 15 points sa naging kabiguan sa Sentinels.

Si Go, gayunman ay sinapawan ni Sen. Joel Villanueva na nagsalansan ng 21 points bukod pa sa matikas na ginamay ng kampo ang pag-alsa sa ikatlong kanto.

Sabak naman sa alas-4:30 nang hapon ang Judiciary Magis at Department of Justice Boosters na kapwa target ang panalo sa torneong inorganisa ni UNTV President at CEO Daniel Razon.

Pamumunuan ni Justice Jose Midas Marquez ang kampanya ng Magis habang sina Joseph Gernale, Alejando Daguiso at Dion Rex Africa ang bibitbit para sa Justice Boosters.

Bukod sa Senate Sentinels, wagi din sa unang araw ng torneo ang PNP Responders ni Director General Oscar Albayalde.

Nagpamalas si Alba­yalde at katropa ng pagiging agresibo nang wasakin ang defendin­g champion Armed Force­s of the Philippines C­avaliers, 90-62.